Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Clariss 71 ang simula

0 60

Sa likod ng bogey-free pero isang birdie lang, isinalpak ni Clariss Guce ang one-under par 71 upang maiwan ng limang palo sa dalawang lider at mahanay sa 18-way tie para sa 18th place sa pagsisimula ng 16th Symetra Tour 2021 17th leg $175K (P8.7M ) 4th Guardian Championship sa Capitol Hill Golf Club Pratville sa Alabama Biyernes (Sabado sa Manila).

Nakatingala ang 31-year-old US-based Pinay sa unang korona sa limang taon at pangatlo sa pangkalahatan sapol nang makadalawa sa rookie year niya noong 2016 sa magkasunod na buwan ng July at August sa Danielle Downey Credit Union Classic sa New York at sa Decatur-Forsyth Classic sa Illinois.

SM food to go Banner Ad

Tangan nina home bet Janie Jackson at Shasta Averyhardt ang liderato sa one stroke edge sa mga binirang six-under par 66.

Bumubuntot ang tatlo pang Amerikanang sina Gigi Stoll, Samantha Wagner at Amanda Doherty. (Ramil Cruz)

Leave A Reply

Your email address will not be published.