Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Clariss nakaungos kina Bianca, Dottie

0 64

Tumirik sa final round si Clarissmon ‘Clariss’ Guce sa likod ng worst one-over par 72 pa-two-over par 282 total upang mapadpad sa nine-way tie 38th place na may $7,245 (P357K) each sa wakas ng 72nd Ladies Professional Golf Association Tour 2021 16th leg $1.5M (P73M) 9th Volunteers of America Classic sa Old American Golf Club sa The Colony, Texas Linggo (Lunes sa Maynila).

Pero iyon na ang best-finish ng US-based Pinay shotmaker sa loob ng dalawang taon sa three-year campaign sa world premier women’s circuit, angat kina ICTSI teammates, 2020 Tokyo Olympic-bound Bianca Isabel Pagdanganan ng Quezon City (72-284 na seven-way tie sa 56th, P196K) at Dottie Ardina ng Canlubang, Laguna (72-285, 4-way tie 63rd, P172K).

Nagreyna sa 4-day, 72-hole stroke play si Korean Jin Young Ko na nag-69-268 kalakip ang $225K sa one-stroke win laban kay Matilda Castren ng Finland na may 69-269. Tersera si Mexican Gaby Lopez na mayroong 65-270.

Sunod kay Guce ang Donald Ross Classic sa 16th Symetra Tour 2021 11th leg $250K 4th Donald Ross Course sa French Lick, Indiana sa Hulyo 8-10. (Ramil Cruz)

Leave A Reply

Your email address will not be published.