Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Clark sapaw kay Kawhi

0 335

Nagkumplutan sina Fil-Am Jordan Clarkson at journeyman Bojan Bogdanovic nang sorpresang ilublob ng Utah Jazz si Kawhi Leonard at Los Angeles Clippers, 125-105, sa 75th National Basketball Association (NBA) 2020-21 preseason game Huwebes sa Staples Center.

Rumagasa ng tig-20 points at tig-3 rebounds ang former Gilas Pilipinas player na si Clarkson at Bogdanovic para sa fourth straight win Jazz at bokyain pa rin ang Clippers sa gayung daming laro, wala ng isang lingo bago magbukas ang liga sa December 22.

Lima ang sinalpak ni Clark sa 24 three-point shots ng kanyang team sa pagdomina sa LAC, sa pagpaparamdam na ipapakita sa bagong season. Sa kabuuan may 46.2 percent sa kanilang 52 attempts sa long range ang team.

SM food to go Banner Ad

“Coach (Quin Snyder) has been stressing that to us since we were in the Bubble,” lahad ng 2018 Indonesia Asian Games veteran na si Clarkson. “We were just coming into this preseason trying to find an identity and emphasizing that on the offensive end. Those shots are good for us.”

Apat pa sa Utah ang mga humarana ng double digits sa pamamagitan nina Donovan Mitchell, Rudy Gobert, Mike Conley Jr. at Georges Niang na may 15, tig-12 at 10 markers, ayon sa pagkakasunod.

Naka-16 pts. si Paul Goerge para sa Clippers samantalang may 13 ang former two-time Finals MVP na si Leonard. (Ramil Cruz)

Leave A Reply

Your email address will not be published.