Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Clarkson asam 6th Man award

0 176

Minamataan ni Fil-Am Jordan Clarkson na maging pinakamalupit na bench player sa 74th NBA 2019-20.

Sa panayam sa 28-anyos na basketbolista nitong Sabado, nais niyang makuha ang NBA Sixth Man of the Year award.

Ngunit tingin niya’y mahihirapan siya lalo’t palipat-lipat siya ng koponan buhat noong tumungtong sa liga taong 2014.

SM food to go Banner Ad

“One goal, achievement that I do want under my belt is to win the Sixth Man of the Year award. I feel like I’m kind of out of the conversation a lot because I’ve been traded to multiple places now,” saad niya.

Matapos makuha ng LA Lakers sa isang trade, nalipat si Clarkson sa Cleveland Cavaliers kung saan nakasama niya si LeBron James bago napunta ng Utah Jazz.

Sa nagdaang season, nag-average ng 15.6 points, 2.8 rebounds at 1.6 assists sa Utah ang dating Gilas Pilipinas player, kaya nakakuha ang three-year extension contract Jazz. (Ray Mark Patriarca)

Leave A Reply

Your email address will not be published.