Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Clarkson babalik sa Lakers

0 353

Magkakaroon kaya ng homecoming si Jordan Clarkson sa Los Angeles?

Isa ang Fil-Am sa pinagbabalakang ligawan ng Lakers.

Sa Lakers nagsimula ang NBA career ng 28-year-old, 6-foot-5 combo guard noong 2014. Nai-trade siya sa Cleveland makalipas ang apat na taon bago pinamigay sa Utah nitong 2019.

Potential targets rin ng 2019-20 champions sina Jeff Teague ng Hawks, Nerlens Noel ng Thunder at DJ Augustin ng Magic.

Mas madalas sa 2 si Clarkson, pero nagiging point din tulad nina Teague at Augustin. Center/forward si Noel.

Mula kay Bobby Marks ng ESPN:

“Some names to keep an eye on with the Lakers’ $9.3M midlevel and $3.6M bi-annual exceptions – including their own free agents Markieff Morris and Dwight Howard – are Jeff Teague, D.J. Augustin, Jordan Clarkson, Maurice Harkless and Nerlens Noel.”

Pinapalakas ng Lakers ang backcourt ni LeBron James at kapalitan sa gitna ni Anthony Davis.

Napapaulat na papunta ng free agency sina guards Rajon Rondo at Kentavious Caldwell-Pope, kapag natuloy ay si Alex Caruso ang maiiwan sa LA. (Vladi Eduarte)

Leave A Reply

Your email address will not be published.