Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Clarkson binira NBA

0 113

Hindi pinalampas ni Jordan Clarkson ang pagkakataon na mabiro ang liga dahil sa multang $25,000 (P1.2M) sa kanya matapos niyang matulak ang isang referee.

Sa Instagram post ng Fil-Am guard makalipas manalo ng Utah Jazz kontra LA Clippers, pinitik ni Clarkson ang pagmumulta sa kanya nang mabawasan ang kanyang kaban ng limpak na pera.

“Great way to start to 2021 ! A team win and $25k lighter! Road Trip lets get it!” pag-alaska ni Clarkson sa liga.

SM food to go Banner Ad

Nagbigay naman ng pabiro ring advice ang kanyang kakampi na si Joe Ingles na dapat ay hindi raw tinulak ni Clarkson ang referee para hindi siya nagmulta.

Nangyari ang insidente nang habulin ni Clarkson ang bola sa kanilang laban kontra Phoenix Suns.

Nang magdribol si Clarkson ay tumama sa paa ni referee Karl Lane ang bola dahilan para mabangga ito ng player at biglaang matulak ang game official. (Ray Mark Patriarca)

Leave A Reply

Your email address will not be published.