Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Clarkson buhos ang pagbati

0 383

Bumuhos ang mga pagbati kay Utah Jazz guard Jordan Clarkson na pinangaralang 75th NBA Sixth Man Award 2020-21 Lunes.

“Yes sir! Congrats Bro @JordanClarksons,” tweet ni Jazz stalwart Donovan Mitchell sa Fil-Am teammate.

Related Posts

Hindi rin nagpahuli ang mga katropang sina Mike Conley at Rudy Gobert, “Congrats bro!” Maging sina Tristan Thompson ng Boston Celtics, Kevin Love ng Cleveland Cavaliers, George Hill ng Philadelphia 76ers, Josh Hart ng New Orleans Pelicans, at three-time NBA champion Dwyane Wade.

Nagdiwang din ang mga Pinoy cage fan at ang Samahang Basketbol ng Pilipinas. Naglaro na sa PH 5 si Clarkson sa 2018 Indonesia Asian Games. (Janiel Abby Toralba)

Leave A Reply

Your email address will not be published.