Abante Tonite Interactive

Clarkson dumeliber ng 24, Cavs kinaldag ang Hornets

By
330

Binigyang-buhay ni Jordan Clarkson ang tadtad ng injury na Cleveland, umiskor ang Fil-Am guard ng 24 points para akayin ang Cavaliers sa 113-89 victory kontra Charlotte Hornets Martes ng gabi.

Nagdagdag si Tristan Thompson ng 21 rebounds at 11 points sa ikalawang panalo lang ng Cavs sa 13 laro.

Humaba ang injury list ng Cleveland, pinakahuling nadagdag sina forwards Kyle Korver (sore right foot) at Cedi Osman (back spasm).

Si All-Star forward Kevin Love (foot surgery), starting point guard George Hill (hamstring) at forward Sam Dekker (ankle).

Malaking papel ang ginampanan ni Thomson sa team na apat na beses nakarating sa NBA Finals at nanalo ng kampeonato noong 2016.

Ipinagdiinan ni Thompson na kailangang hindi sumuko ang Warriors.