Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Clarkson, iba pa ilalaban ng SBPI

0 95

Nagkatsansang maging local player si National Basketball Association (NBA) veteran Jordan Clarkson, at sina Stanley Pringle, Christian Standhardinger at Sean Anthony ng Philippine Basketball Association (PBA) para sa Gilas Pilipinas.

Ito ay matapos payagan ng International Basketball Federation (Fiba) si American-Indonesian Brandon Jawato para makalaro bilang lokal na player sa Indonesian sa susunod na linggong 2021 Asia Cup Qualifier sa Manama, Bahrain.

“That has been an issue we’ve been raising to Fiba,” giit ni Samahang Basketbol ng Pilipinas, Inc. (SBPI) president Alfredo Panlilio ukol sa apela sa eligibility rules. “We have to have a dialogue with Fiba on what actually happened there and continue to push our case.”

SM food to go Banner Ad

Hinirit ng SBP na base sa batas ng Pilipinas, ang isang personahe na isinilang na may magulang na Pilipino ay ginagarantiyahan bilang isang citizen pa rin ng bansa.

Ipinaliwanag pa ng opisyal na ipipilit organisasyon na makipag-usap sa Fiba na alisin na ang rule na kailangang may hawak na passport sa edad na 16 ang isang player makapaglaro sa national team.

Binatikos din ng SBPI ang Fiba sa mahirap na schedule ng Nationals sa nalalapit na Bahrain qualifying.

(Angelito Oredo)

Leave A Reply

Your email address will not be published.