Abante Tonite Interactive

Clarkson, iba pang player saludo sa Toronto, GSW

411

Kapwa maituturing na panalo ang nagsagupang bagong kampeong­ Toronto Raptors at napatalsik sa tronong Golden­ State Warriors dahil sa kanilang pinamalas na determinasyon at galing sa tumiklop na 73rd National Basketball Association 2018-19 Finals.

Nangunguna sa mga humanga sa dalawang maangas na team sa seryeng natapos sa anim na laro si Filipino-American NBA si Jordan Clarkson ng Cleveland Cavaliers.

“Congrats to Toronto Taptors! Was a great finals!’ sabi ni Jordan Clarkson sa @JordanClarksons.

Gayundin sina Chris Ross ng San Miguel Beer, Bobby Ray Parks, Jr. at Diego Dario ng Blackwater at iba pa.

Panay ang tweet ni Parks sa naging kaganapan sa Game 6 natapos sa 114-110 at nagsilbing title-clinching ng TR.

“Wild them boys up north!!!,” sabi naman ni Parks sa kanyang account na @ray1parks.

Post ng Beerman guard sa @cmross6: “Warriors and Raptors RESPECT!!!!!!!
“Raptors played great defense this series. Defense wins championships. Congrats Toronto!” naman ni ani Dario sa @Diego5Dario. (Lito Oredo)