Abante Tonite Interactive

Clarkson ibubuhos ang lakas vs Korea Todo na ‘to!

By
1,391

Kung matindi ang pinakita ni Jordan Clarkson sa unang laro niya suot ang Pilipinas jersey, inaasahang magiging mas maangas pa siya sa susunod na salang.

Nakapahinga na ang Fil-Am guard ng Cleveland Cavaliers, ilang araw na ring nakapag-ensayo kasama ng Nationals na galing PBA.

Sa 82-80 loss ng Pilipinas sa China noong Martes, tumabo si Clarkson ng game-high 28 points, 8 rebounds at 4 assists bago inabot ng cramps sa dulo. August 21 siya dumating sa Indonesia at napanood nang ilampaso ng Pilipinas ang Kazakhstan 96-59.

“I think the next game we’ll see him play better,” panigurado pa ng ama ni Clarkson na si Mike na nasa Jakarta rin.
May limang araw si Clarkson para magamay ang sistema ni Guiao bago muling sumalang ang Pilipinas kontra Korea sa quarterfinal round ng 2018 Asian Games.

Mas magiging komportable na siya.

Hindi man gumawa ng 28 o 40 points, mas makakatulong na siya sa team.

“I know Jordan can score at will, anytime, kung gugustuhin niya,” wika ni Guiao. “Pero that’s a really hard way of trying to win the game. He must involve his teammates, he must get some help from the others, and we have already incorporated that into the game plan.”

Kontra China, nakakuha ng suporta si Clarkson mula kina Christian Standhardinger (18 points, 8 rebounds), Stanley Pringle­ (14 points) at Paul Lee (10 points).