Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Clarkson inalat sa 3-pt streak

0 253

Hindi maganda ang simula ni NBA leading Sixth Man of the Year candidate Jordan Clarkson sa kanyang unang laro sa playoffs kontra Memphis Grizzlies.

Kilala si Clarkson bilang isa sa mga tirador ng Utah Jazz sa tres, pero wala siyang naipasok sa walong bitaw Linggo.

Tumapos lang si Clarkson ng 14 points sa 30 minuto sa floor, may 5-of-16 sa field.

SM SuperKidsDay Banner Ad

Dahil walang naisalpak na tres, naputol na rin ang streak ni Clarkson kung saan sa 94 magkakasunod na laro ay nakapagbuslo siya ng isang three-pointer.

Bigo ang Jazz kontra Grizzlies, 109-112, susubukang makabawi sa Huwebes sa Game 2 ng Western Conference first round series.

Hindi pa alam kung maglalaro na ang star player ng Utah na si Donovan Mitchell, na nabakante sa Game 1 dahil sa ankle injury. (Ray Mark Patriarca)

Leave A Reply

Your email address will not be published.