Abante Tonite Interactive

Clarkson ipapain ni Guiao vs China, patibong!

By
1,530

Naiporma na ni coach Yeng Guiao kung ano ang magiging papel ni Fil-Am Jordan Clarkson sa Team Pilipinas kontra China.

Martes ng 4 pm sa Jakarta (5 pm sa Manila) haharapin ng Filipinos ang Chinese sa Jakarta, pa­ngalawang laro kasunod ng 96-59 demolisyon sa Kazakhstan noong Huwebes.

Unang sabak din ng Cleveland Cavaliers guard sa Asian Games, makakatapat ang mga NBA player ding sina Zhou Qi ng Houston Rockets at Ding Yanyuhang ng Dallas Mavericks.

Ang estratehiya ay si Clarkson ang magmamando at magkakasa ng opensa ng team, hindi kailangang siya agad ang maging primary scorer.

“We don’t need him to score 50. What’s good for us is he can attract a lot of attention. That’s going to free up our local shooters,” paliwanag ni Guiao.

Malalaki masyado ang Chinese, malaking bagay si Clarkson para makadiskarte ang local long range scorers ni Guiao, kapag hindi puwede ay mga bigs naman sa ilalim.

“With him, he draws the attention of the defense and we will get that opportunity to score. He will know when to decoy and he will know when to score,” dagdag ng NLEX coach.

Kita ng national coach na nasa kondisyon si Clarkson at madaling makisama, madali ring pakisamahan.

“You can see that he’s very quick. You can see that his skills are defined and fine-tuned,” puna ni Guiao. “But I don’t see any problem with his intelligence, his abilities. He can blend in and he’s going to lead this team – hopefully deep into the playoffs, into the medal round.”