Abante Tonite Interactive

Clarkson itatapon ng Cavaliers?

717

Matatapos na sa 2020 ang kontrata ni Jordan Clarkson sa Cleveland Cavaliers, ngunit posibleng magsuot na ito ng ibang jersey bago pa man magsimula ang parating na 74th o 2019-20 season.

Ayon sa report ng Cleveland.com, sa nagdaang offseason ay tini-tingnan na ng Cavaliers ang posibilidad na ma-trade ang Fil-Am guard, maging ang starting big man na si Tristan Clarkson.

Dahilan ng Cavs, ‘di kasama ang dalawa sa long-term plan ng koponan at mas mabu-ting mapakinabangan bilang trade piece kaysa matapos ang kontrata sa 2020.

“The value Cleveland can receive in a deadline swap would outweigh what both can bring on the court. The Cavs need to maximize that value,” ayon sa report ng Cleveland.com.

Sa nakalipas na season, 16.8 points, 3.3 rebounds at 2.4 assists ang average ni Clarkson kada laro, isa sa mga primerong scorer ng Cavs sa bench.

May natitira pang $13.4M sa kontrata ng 27-year old guard, na dati nang nagsilbi sa PH national team sa 2018 Asian Games kung saan tumapos ang Team Pilipinas sa fifth spot. (RMP)