Abante Tonite Interactive

Clarkson, Jazz balik sa lupa

722

Pasabog ng career-high 49 points si Brandon Ingram at tinagpas ng New Orleans Pelicans ang 10-game win streak ni Fil Jordan Clarkson at ng Utah Jazz sa bisa ng 138-132 overtime win Huwebes ng gabi sa 74th NBA 2019-2020 regular season.

Abante pa ang Utah 132-127 sa 3 ni Bojan Bogdanovic 2:28 sa OT pero ‘di na umiskor mula roon. Tinapos ng New Orleans ang laro sa 11 straight points mula sa layups nina Derrick Favors at E’Twaun Moore at pitong free throws.

Tumabas si Favors ng 21 points, 11 rebounds at 3 blocks laban sa dating team. May 16 points si Moore.

Solido pa ang kontribusyon ng dalawang first round picks ng Pelicans na sina Nickel Alexander-Walker at Jaxson Hayes. May 12 points si Alexander-Walker, nagsumite ng 9 points, 5 rebounds at isang block si Hayes.

Panalo na ang Pelicans nang pumasok ang off-balance jumper ni Ingram .2 seconds na lang sa regulation. Pero natawagan si Hayes ng holding foul kay Rudy Gobert sa desperation tip ng Utah mula sa inbounds. (VE)