Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Clarkson Jazz bawi vs Grizzlies

0 277

Binalewala nina Donovan Mitchell at 75th NBA 2020-21 Sixth Man of the Year Jordan Clarkson ang 47 points ni Ja Morant nang resbakan ng Utah Jazz ang Memphis Grizzlies, 141-129, at itabla sa 1-1 ang kanilang Western Conference playoffs sa Vivint Smart Home Arena sa Salt Lake City Miyerkoles.

Nagposte si Mitchell ng 25 markers, 2 rebounds at 1 steal, samantalang may 16 pts., 6 rebs. at 1 ast. Si Clarkson patungo sa Game 3 sa Linggo (Manila time). Iginawad bago ang game kay Clarkson ang kanyang award na napanalunan noong Martes.

Matapos ang first half, lumapit ang Grizzlies sa 3:29 mark, 91-93 sa likod ng 23-foot 3-pointer ni De’Anthony Melton. Pero nilayong bahagya ni Clarkson ang Utah sa tatlong free throws sa last 34.2 seconds, 103-97.

Nag-ambag din sa Jazz si Rudy Gobert ng 21 pts., 13 rebs. at 4 blocks, si Mike Conley may 20 pts. at career-best 15 feeds, at si Bojan Bogdanovic naka-18 pts. (Janiel Abby Toralba)

Leave A Reply

Your email address will not be published.