Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Clarkson, Jazz iiwas-hukay

0 121

Out si Clippers star forward Kawhi Leonard sa Game 6 ng NBA Western Conference semifinals kontra Utah Jazz ngayong araw sa Los Angeles.

Umalog ang tuhod ni Leonard sa Game 4 win ng Clippers sa Staples Center din, sumama siya sa Salt Lake City pero hindi naglaro sa Game 5 na sinikwat ng LA 119-111 sa likod ng 37 points, 11 rebounds at 5 assists ni Paul George.

Para maisara ang series at makabiyahe sa conference finals kontra naghihintay na Phoenix Suns, kailangan muli ni George ng mainam na suporta.

Noong huli, nagpakita ang role players ng Clippers nang magsumite ng pinagsamang 60 points sina Marcus Morris, Reggie Jackson at Terrance Mann.

SM SuperKidsDay Banner Ad

Must-win ang Jazz para ibalik sa Utah ang deciding Game 7 sa Lunes.

Problema ng Utah ay hindi rin 100 percent si Donovan Mitchell (right ankle).

Sa huling tatlong sunod na talo ng Jazz ay pababa ang laro ni Sixth Man of the Year Jordan Clarkson. (Vladi Eduarte)

Leave A Reply

Your email address will not be published.