Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Clarkson, Jazz inutas Kings

0 197

Pasabog ng 23 points si Jordan Clarkson off the bench at nilampaso ng Utah Jazz ang dinayong Sacramento Kings 154-105 sa 75th NBA regular season game Miyerkoles ng gabi sa Golden 1 Center sa California.

Pitong players pa ang umiskor ng double digits, at binasag ng Jazz (45-17) ang 43-year-old franchise record ng most points in a game. Umiskor ng 153 ang dating New Orleans Jazz kontra San Antonio noong April 1978.

Pinakamalaking margin ng panalo din sa kasaysayan ng prangkisa ang 49-point win na nagpasalmpak sa Kings sa 25-37.

“I don’t think I’ve ever seen a 150 on the board before,” ani Jazz forward Georges Niang, naka-19 points sa pangatlong career start habang wala sina Donovan Mitchell (ankle) at Mike Conley (hamstring).

Pinutol ng Utah ang two-game skid nang ilista ang pang-apat na 150-point game sa franchise history. Dalawang beses silang umiskor ng 151 – parehong kontra Denver (Feb. 10 at March 10, 1982).

May 24 points si Bojan Bogdanovic. (Vladi Eduarte)

Leave A Reply

Your email address will not be published.