Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Clarkson, Jazz inutas uli Suns

0 274

Mas malamang na si Jordan Clarkson pa rin ang unang bunot ng Utah Jazz mula sa bench sa papasok na 75th o 2020-21 season ng NBA.

Sa Orlando bubble, unang sub ang 13-year veteran at hindi nagalaw ang apat na starters na dinaratnan niya sa loob.

Second unit pero mainam ang kontribusyon bilang sixth man.

Lunes ng gabi sa Utah, off the bench muli si Clarkson at nagsumite ng 12 points, 4 rebounds sa loob ng 23 minutes sa 111-92 win ng Jazz kontra Phoenix Suns.

SM food to go Banner Ad

Nanguna sa balanseng scoring ng Jazz ang 18 points ni Bojan Bogdanovic, dinomina ni Rudy Gobert ang paint sa kinalawit na 19 rebounds at may 11 points.

Si Clarkson ang namuno sa 119-105 win din ng Jazz sa Suns noong Sabado. Mula sa labas ng arc ay 5 for 10 ang Fil-Am tungo sa 19 points sa loob ng 22 minutes off the bench.

Sa kabila, pinagdiinan ni Chris Paul na hindi nagkamali ang Suns sa pagpupursigeng makuha siya.

Tumagal lang ng 18 minutes ang preseason debut ng 35-year-old 10-time All-Star pero sinulit sa 5 points, 2 rebounds at 6 assists. Andu’n pa rin ang skills ni Paul na siguradong papakinabangan ni Phoenix center Deandre Ayton ngayong season.

Walang kalawang ang pulso ni Devin Booker sa kinamadang 27 points para sa Suns. (Vladi Eduarte)

Leave A Reply

Your email address will not be published.