Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Clarkson, Jazz nanambak

0 218

Tinapos ni Rudy Gay ang debut sa Utah sa tono ng 20 points, 5 rebounds at 2 assists para tulungan ang Jazz sa 119-103 panalo laban sa Toronto Raptors sa 76th NBA regular season game sa Vivint Smart Home Arena Huwebes ng gabi.

Limang 3-pointer ang ibinaon ni Gay, nakuha ng Jazz nitong offseason pero nagpagaling muna mula surgery.

May 20 points din si Donovan Mitchell, 16 kay Royce O’Neal at 14 points, 11 rebounds kay Rudy Gobert para sa Utah. Nag-ambag ng 12 si Jordan Clarkson, tumapos si Joe Ingles ng 10 points, 7 rebounds at 8 assists.

Iwan ng dalawa sa halftime ang Jazz bago na-outscore ng 20 ang Raptors sa second half upang sumampa sa 10-5 slate at tisurin ang biktima sa 7-9.

Kumana ng maangas na 19 for 46 clip sa labas ng arc ang Utah.

Hindi naibalik ng 31 points ni Gary Trent at 24 ni Fred VanVleet ang Toronto. (Vladi Eduarte)

Leave A Reply

Your email address will not be published.