Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Clarkson, Jazz tinibag Lakers

0 88

Nakakaantok ang inaabangang matchup ng Utah Jazz at Los Angeles Lakers nitong Miyerkoles sa Salt Lake City.

Dumistansiya ng 24 ang Jazz at nagtuloy para tambakan si LeBron James at Lakers 114-89 sa 75th NBA 2020-21 regular season game sa Vivint Smart Home Arena.

Nang kumalas ang Jazz sa 39-24 second quarter para pumasok sa break tangan ang 63-47 bentahe, tapos na ang Lakers.

Itinawid ng Utah ang pananalasa sa 27-17 edge pa sa third, mula roon ay kumampay na lang tungo sa 26-6 card. Napigil sa 22-11 record ang Los Angeles.

Anim na Jazz ang umiskor ng 12 pataas sa pangunguna ng tig-18 nina Rudy Gobert at Fil-Am Jordan Clarkson. Near triple-double na 13 points, 10 rebounds at 8 assists si Donovan Mitchell.

Tumapos si James ng 19 points, 4 rebounds at 4 assists sa loob lang ng 28 minutes.

Ang pang-apat na sunod na semplang ang pinakamasagwang talo ng LA ngayong season.

Nalimitahan sa season-low sa puntos ang Lakers na wala pa ring Anthony Davis at Dennis Schroder sa starting lineup. (Vladi Eduarte)

Leave A Reply

Your email address will not be published.