Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Clarkson kakayod

0 185

Conley lumayas sa Jazz (KICKER)

Family first ang motto ni Utah Jazz starting guard Mike Conley matapos umalis sa NBA bubble sakto sa pagsisimula ng NBA playoffs.

Nitong Linggo nilisan ni Conley ang Orlando para masaksihan ang panganganak ng asawa.

Dahil dito’y dalawang laro ang inaasahang mababakante ni Conley para sa Jazz, na lalabanan ang Denver Nuggets sa 1st round playoffs.

SM food to go Banner Ad

Gayunpaman, hindi apektado ang kanyang mga teammate at coach dahil batid nilang mas mahalaga ang pamilya kaysa sa ibang bagay.

“The whole organization, the players and coaches and everyone here, completely supports his decision to be with his wife and his new baby,” ayon kay Jazz forward Joe Ingles.

Tanggap din ni Fil-Am guard Jordan Clarkson na siya ang pupuno sa posisyon ni Conley, na kailangan tapatan ang 18 points, five assists at 3 rebounds na average ng veteran guard sa restart ng liga.

“Mike is definitely a loss for us whatever time he’s gone. But everybody just has to have that next man up mentality. You can’t think about anything else. Come in here and put the effort out and we’re going to get a good result,” saad ni Clarkson.

“Being a father is more important than all of this. I’m happy he can experience this. It’s a blessing,” mensahe pa ng may dugong Pinoy kay Conley. (Raymark Patriarca)

Leave A Reply

Your email address will not be published.