Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Clarkson lalaro uli sa Gilas

0 375

Maglalaro uli si National Basketball Association (NBA) journeyman Jordan Clarkson ng Utah Jazz para sa Gilas Pilipinas na kakampanya sa 19th International Basketball Federation (FIBA) World Cup 2023 na mga itataguyod ng ‘Pinas, Japan at Indonesia.

Ibinunyag ng leading 75th NBA 2020-21 Sixth Man of the Year candidate ang posibilidad kay New York Times sportswriter Scott Cacciola na lumabas din sa website ng pahayagan na nytimes.com Lunes ng umaga at unang inulat ng Spin.ph kinagabihan.

“Clarkson plans to return to Gilas Pilipinas in 2023, he said, when the team takes part in Olympic qualifying competitions, including the World Cup, which the Philippines is co-hosting,” report ni Scott.

Kumpiyansa rin aniya ang 28-year-old, 6-foot-5 combo guard na muli siyang makakasabak sa national team bilang local player na mula nang unang dalhin ang PH flag sa 2018 Indonesia Asian Games.

Pero patuloy na ginigiit ng Fiba na muli lang makakakampanya sa Pinoy quintet ang Fil-Am cager bilang naturalized player tulad sa Asiad. (Ramil Cruz)

Leave A Reply

Your email address will not be published.