Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Clarkson, Mitchell tinadtad Pelicans

0 102

Ga-batya siguro ang tingin ng Utah sa basket nitong Martes, namiyesta ng 21 3-pointers na sinandalan para ibaon ang New Orleans Pelicans 118-102 sa 75th NBA regular season game sa Salt Lake City.

Pasabog si Donovan Mitchell ng 28 points mula sa apat na tres at may 7 rebounds sa pang-anim na sunod na panalo ng Jazz at 10-4, at sinalya ang kalaban sa 5-8.

Mainam pa rin off the bench si Fil-Am Jordan Clarkson na umayuda ng 18 points sa likod ng apat ding trey, 6 rebounds at 6 assists para sa Utah. May 15 markers pa si Joe Ingles, kumalawit ng 18 rebounds si Rudy Gobert na sinahugan ng 13 points at 3 blocks.

Sinabayan ni Mitchell ang mainit na shooting ni Zion Williamson sa first half.

Walang mintis sa limang tira si Williamson sa first quarter, may 15 si Mitchell sa period. Nagkasa ng 11-2 run ang Jazz mula sa nakumpletong three-point play ni Mitchell para agawin ang lead 29-22.

Tumapos si Williamson ng 32 points sa New Orleans, may 15 si Brandon Ingram.

Sa third, nagbaon ng walong 3s ang Utah – huling dalawa ang ibinaon nina Clarkson at Ingles.

Hindi na nakarekober ang Pelicans. (Vladi Eduarte)

Leave A Reply

Your email address will not be published.