Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Clarkson tameme sa console game

0 68

Isa na rin sa matitinik sa National Basketball Association (NBA) ang Fil-Am guard na si Jordan Clarkson.

Pero pagdating nga lang sa shooting game na ‘Call of Duty’, mukhang hindi asintado ang Utah Jazz sixth man.

Sa Twitter nitong Linggo, inasar si Clarkson ng kanyang teammate na si Royce O’Neale habang sila’y naglalaro ng COD.

SM food to go Banner Ad

Kasama rin ng dalawa sina Jazz superstars Donovan Mitchell at Rudy Gobert.

Biro ni O’Neal, ayaw niyang kakampi sina Clarkson at Mitchell sa naturang laro dahil laging mga namamatay.

“Broooo I hate playing Call of Duty with [Mitchell and Clarkson] they never stay alive,” sey ni O’Neale. (Ray Mark Patriarca)

Leave A Reply

Your email address will not be published.