Abante Tonite Interactive

Clarkson, Pilipinas igagapos ang Korea

By
1,083

Laro ngayon sa GBK Basketball­ Hall

10:00 am Philippines vs Korea
 
Jakarta — Umaasa si Team Pilipinas coach Joseller ‘Yeng’ Guiao na mas maigting ang hangad ng kanyang mga bataan sa pagsagupa sa defending champion South Korea sa knock-out quarterfinals ng 18th Asian Games men’s basketball tournament Lunes nang umaga sa Gelora Bung Karno Basketball Hall.

Ganap na alas-10:00 sasagupain nina Guiao at giya ni NBA veteran Jordan Clarkson na makahirit ang ‘Pinas at makasalisi kontra South Korea.

“I have a good feeling that with Jordan Clarkson this time, and of course the way the players are playing, the way they are developing and the way we are getting that cohesion, I think things are even this time going to the game against Korea,” sabi ni Guiao.

Kumpiyansa si Guiao na ‘di gaanong pahirap ang kanilang laban sa SoKor lalo’t nakikita nito ngayon ang tindi ng samahan ng kanyang tropa, sa chemistry at cohesion gusto nitong makita sa kanyang players.

“Historically, the Koreans… it’s always hard to win against them, and most of the time our national team end up losing. It will be a different ball game now,” ani Guiao

Ikinatuwa ni Guiao ang mahabang panahon na nakasama nito si Clarkson pati na ang nationals para makapag-bonding ‘di lang sa praktis kundi pati na rin sa pamamasyal sa iba’t ibang lugar at sa Athletes Village.

Sa kanyang unang laro para PH 5, nagtala ang 6-foot-5 na si Clarkson ng 28 puntos, 8 rebounds at 6 assists laban sa China, 80-82.
Itotoka ni Guiao ang solidong laro nina Stanley Pringle, na nagtala ng 18 puntos, at Christian Standhardinger, 16 puntos at Paul Lee na kumatas ng 10 puntos.

Tumapos ang Nationals sa No. 2 sa Group D kung saan nanguna ang China sa 2-0 record.
Naglista naman ang Koreans ng 3-0 panalo mula sa tulong ni naturalized player Ricardo Ratliffe, sa average nito na 23.3 puntos at 13 rebounds.