Abante Tonite Interactive

Clarkson pipiratahin ng San Miguel Beer

581

Nanguna sa opensiba ang Fil-Am guard na si Jordan Clarkson matapos bumomba ng 20 points upang pamunuan ang Utah Jazz sa ikawalong kabit na panalo sa bisa ng 109-92 triumph laban sa Charlotte Hornets kahapon.

Angat sa 26-12 panalo-talo baraha ang Jazz upang pansamantalang upuan ang fourth spots sa Western Conference.

Dahil sa magandang pakita ng 6-foot-5 Filipino-American guard ay asari-saring komento ang naglabasan sa social media.

Sey ni netizen @GiovanniElopre,: “100% win rate ni JC sa utah. Simula ng lumipat siya sa Utah, never pa sila na talo.”

Sinegundahan naman ito ni @JonJavier, “yeah! JC is bringing it!!”
Isang netizen pa ang pabirong nag-comment na hindi magtatagal ay maglalaro na ito sa Philippine Basketball Association (PBA) para sa winningest ball club na San Miguel Beermen.

Pang-uurot ni @CabahugFlorencio, kumakaway na ang San Miguel kay Clarkson dahil malapit na itong maging free agent sa NBA:
“SMB waving at you. Mgging free agent ka na sa NBA at I’m sure kukunin ka na ng smb sa PBA,” sabi ni @CabahugFlorencio.

Kasalukuyang may average na 14.5 puntos, 2.2 boards at 2.1 assist kada laro ang 27-anyos na player para sa Utah Jazz. (Aivan Episcope)