Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Clarkson, Sotto, Edu pag-asa ng Gilas

0 646

Isa lang ang hinihiling ni Philippine Basketball Association (PBA) star John Paul ‘Poy’ Erram — ito’y ang makasama ang Fil-Am National Basketball Association (NBA) player na si Jordan Clarkon sa 2023 Fiba World Cup.

Dati nang naging kakampi ng TNT big man si Clarkson nang payagang makapaglaro sa Indonesia 2018 Asian Games, kung saan nabigo ang Pilipinas kontra South Korea sa quarterfinals.

Ayon kay Erram nitong Biyernes, kapag nakasama si Clarkson sa susunod na international competition ng Gilas Pilipinas, siguradong mapapaganda ang tsansa ng koponan sa world stage.

Dagdag pa dito ang mga bagitong player tulad nina Fil-Nigerian AJ Edu, at NBA G League-bound Kai Sotto.

“Siyempre, yung mga nakakalaban niya mga NBA player, mga superstar, si LeBron (James),” saad ni Erram sa panayam sa ‘2OT’.

“So, makasama siya sa team natin sa Gilas, kasi meron ka nang June Mar (Fajardo), meron ka nang Kai Sotto, meron ka na ‘yung si Edu… tapos Jordan Clarkson.

Makikita mo na ‘yung future ng team, if ever makasama siya sa atin, talagang maganda ‘yung papakita ng team,” panapos na namutawi sa KaTropa cager. (Raymark Patriarca)

Leave A Reply

Your email address will not be published.