Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Clarkson swak sa 8K points

0 93

Napasakamay ni Jordan Clarkson ang 8,000 career points nang tulungan ang Utah Jazz sa pagngatngat sa Denver Nuggets, 122-110, sa 2021 NBA regular season game sa Vivint Smart Home Arena sa Salt Lake City Martes (Miyerkoles sa Manila).

Kumamada ang reigning Sixth Man of the Year ng 19 points, 3 rebounds at 1 assist sa malaking tulong kay Rudy Gobert na may 23 markers at Donovan Mitchell na naka-22 sa pag-angat ng Jazz sa 3-0.

Naka-15 pts. each pa sina Mike Conley at Bojan Bogdanovic para sa Utah na hinaltak ang Nuggets sa 2-2.

May 24 pts. si MVP Nikola Jokic na 15 minuto’t kalahati lang nakapaglaro bago nagka-knee injury. (Janiel Abby Toralba)

Leave A Reply

Your email address will not be published.