Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Clarkson syut sa ‘Sixth Man’

0 95

Hindi alintana ng mga tagasubaybay ng Utah Jazz kahit sumablay man ang karamihan ng tira ni Fil-Am Jordan Clarkson.

Sa panalo ng Jazz kontra Atlanta Hawks, 116-92 kahapon, 16 points ang nakolekta ni Clarkson, ngunit 11 tira ang pinakawalan niya na hindi pumasok.

Gayunpaman, tingin ng mga Utah fan ay malaking tulong sa kanilang koponan si Clarkson, na nag-ambag din ng pitong rebounds at apat na assists mula sa bench.

Tingin pa ng ilang netizen, sigurado na sa NBA Sixth Man of the Year award si Clarkson dahil sa patuloy na magandang peeformance nito.

Ngayong season, nag-aaverage si Clarkson ng 17.1 points, 4.8 rebounds at 1.8 assists. (Ray Mark Patriarca)

Leave A Reply

Your email address will not be published.