Abante Tonite Interactive

Clarkson wala sa ‘level’ ni MJ, Kobe, LeBron – netizen

By
1,616

Iba’t ibang reaksyon ang namutawi sa mga Pinoy matapos payagan ng National Basketball Association (NBA) ang Filipino-American guard na si Jordan Clarkson na maglaro sa Asian Games.

Nitong Martes ay pumayag na ang pamunuan ng NBA na maglaro si Clarkson para sa Pilipinas sa darating na Asian Games, taliwas sa nauna nitong desisyon na huwag itong payagan.

Sa takbo ng mala-telenobelang pangyayari, ‘di naman nagpahuli ang mga Pinoy netizen. Basketball fan man o hindi ay may masasabi ukol dito.

Ayon kay @TeddMostly: “This came after they realized they allowed several Chinese players who are also set to play Asian Games #gohomeNBA.”

Malaki naman ang pasasalamat ni @Teves­Elizabeth: “@NBA Gracias NBA for finally allowing Jordan Clarkson to play for the PhilippineTeam in the #AsianGames2018 #DiosBendigaNBA #muchogracias.”

Pabiro namang tweet ni @ThEHiTMaNx44: “They are afraid of lo­sing millions of @NBA fans from us (Philippines).” Maging si @peeweeruiz, nagbiro na: “yes, manunuod na ulit si Richard Gomez ng NBA, yahoo!!!”

Kung maraming natuwa, meron din naman ang may mga tanong tungkol dito, gaya na lamang ni @hahnydave: “Are we just desperate to win that gold?”

Pati si @yajeepziur ay nagtanong ng: “If Clarkson plays, do you think we will in the Asian Games? How about if ­Gilas won’t make it to the finals with JC? Kalokohan. World class players sa bracket nila oi. JC is a 1 dimensional player. He’s not Kobe or Lebron or MJ.”

Unang sasabak si Clarkson sa laban ng Pilipinas sa Huwebes, kontra sa isa mga mababangis na tropa – ang Kazakhstan.