Abante Tonite Interactive

Class opening gusto sa Agosto

663

Magbibigay ng proposal ang partidong ACT-CIS sa Department of Education (DepEd), Commission on Higher Education (CHED), at Technical Education and Skills Development Authority (TESDA) na humihiling na iaatras ang pasukan ngayong Hunyo dahil hindi pa natatapos ang mga gawain para sa pagtatapos ng klase noong Marso dahil sa Covid 19.

Ayon Kay Rep. Jocelyn Tulfo, maaaring gawin ang pasukan sa Agosto o Setyembre dahil sa mga nabinbing gawain para sa school year 2019-2020 dulot pa rin nang pinatupad na enhanced community quarantine sa bansa.

Kasabay nito ang pagrekomenda sa Kongreso na ilaan ang Pantawid Edukasyon conditional cash transfer program sa lahat ng mag-aaral na low income at nasa lower-middle income bracket.

Ipapahayag ng ACT-CIS ang kanilang proposal sa Departments of Finance, Department of Budget and Managemen , at sa tatlong education agency ng pamahalaan. ( Vick Aquino)

Tonite – Wendys Inhouse Ad