Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Claudine buwiset kay Jodi

0 155

Naglabas ng sama ng loob at matatapang na pahayag si Claudine Barretto patungkol kay Jodi Sta. Maria na karelasyon ngayon ng kanyang estranged husband na si Raymart Santiago.

Sa Abanteliling interview ng Abante sa Facebook kahapon, diretsahang sinabi ni Claudine na “buwisit” siya kay Jodi.

Simula ng Optimum Star, nun’g una raw nalaman niya ang tungkol kay Jodi and Raymart, okay lang naman daw sa kanya but at the same time ay may parte raw na nainis siya dahil hindi man lang daw nagpasintabi sa kanya ang aktres.

“Nun’g una, okay lang sa akin, although may part sa akin na nainis kasi ba’t parang hindi ka nagpasintabi. Not for anything, du’n kay Jodi, parang hindi ka nagsabi man lang,” simula ni Claudine.

She recalled na sobrang close raw nila ni Jodi before at nagmakaawa pa siya sa ABS-CBN and direk Wenn Deramas na kunin ito sa serye na Walang Kapalit na pinagbidahan nina Claudine and Piolo Pascual in 2007.

Sinabi raw sa kanya ni Jodi that time na kailangang-kailangan nito kaya naman tinulungan niya ang kaibigan.

“Ang weird pa niyan, nun’g nasa Australia kami, siya at ako ang bumibili ng pregnancy test ko. Isa pa ‘yun. Tapos, ang kinasasama ng loob ko was binigyan ko pa siya ng malaking surprise party.

“So, I could say na talagang she’s a friend, she’s my baby sister. Love ko siya,” patuloy ni Claudine.

Sinabi rin ni Clau na pinalalabas daw kasi ng kampo ni Jodi na nagpasintabi ito sa kanya at inaway pa niya.

“Hindi, walang ganu’n, hindi siya nagpasintabi. Pero in real life, in truth, ‘yun ang dapat niyang ginawa, di ba? ‘Ate, nanliligaw sa akin si Raymart, medyo gusto ko siya.’ Okay, ‘di okay, ‘di ba? Hindi ‘yung ako pa ang tatawag, ‘Jodi, ‘yung mga bata. . .’ ganyan-ganyan, di ba?

“So ako, I cannot consider her a friend. Kasi, meron silang ginawa na sobrang sakit talaga. Nun’g lumabas ‘yung mga pictures talaga, sobrang sakit para kay Sabina (their eldest daughter), lalo ‘yun, talagang nag-iiyak siya,” kwento ni Claudine.

Ang tinutukoy ni Claudine na mga larawan ay ‘yung lumabas na spotted sina Jodi and Raymart sa isang private restaurant na nagdi-dinner at magkayakap.

Hiniling daw ni Claudine sa dalawa na kapag naging sila na ay sabihin sa kanya para ma-inform din niya ang mga anak nila ni Raymart. Pero hindi nga raw nangyari.

Kaya nang lumabas daw ang mga larawan ay kinausap niya si Jodi at sinumbatan kung bakit nga hindi muna sinabi sa kanya.

“Pero ‘yung anak niya, ‘yun ang nakakainis du’n, ‘yung anak niya, si Thirdy, inupo nila ni Raymart at in-explain na ‘eto ‘yung bagong boyfriend ko ulit.’ Di ba?

“Parang ang bastos nu’n di ba? Nakalimutan n’yo ‘yung mga anak ko? Di ba?” pahayag pa ni Claudine.

“’Yun ‘yung ikinapikon ko. Inupo niya ‘yung anak niya, ‘yung mga anak ko kawawa. Hindi niya sinabi. Tapos makikita mo ‘yung anak mo, tumatakbo, “mom, the notifications in my ano is all about dad and Jodi’,” dagdag pa ni Claudine.

“Sorry naman sila ng sorry sa akin sa phone,” patuloy pa niya.

Sana raw ay tumahimik na ang kampo nina Jodi and Raymart at huwag na raw baguhin pa ang kwento.

Nilinaw ni Claudine na hindi pa sila annulled ni Raymart at gayundin daw si Jodi sa asawa nito.

“Si Jodi, nine years na, hindi pa rin annulled. And she says she’s a Christian? Di ba? Kristiyano ka pero may asawa pa rin ‘yung…

“Alam mo, actually, dapat hindi na ‘ko umaano sa part na ‘yun kaya lang siguro out of ‘yung buwisit ko na ito ‘yung ginawa n’yo sa mga anak ko, syempre, kahit na sinon’g nanay, kahit siya naiintindihan niya, eh, kaya nga siya sorry nang sorry sa akin,” saad ni Claudine.

Ito raw ang una’t huling pagsasalita niya tungkol sa bagay na ito.

Sa huli ay nagbigay rin ng mensahe si Claudine kina Raymart at Jodi. Aniya, “do not make me as a villain, do not make me as somebody na nagseselos. My God, you can have Raymart anytime.”

Para kay Raymart naman, mensahe ni Claudine, “huwag mong kalilimutan ang responsibilidad mo, Raymart sa mga anak ko.”

Idiniin ni Claudine na noong ang karelasyon ni Raymart ay ang dati nitong non-showbiz girlfriend ay nagbibigay pa ng sustento ang aktor sa mga anak niya.

“Ngayon wala na lahat. So, hindi siya (Jodi) good influence kay Raymart,” sey pa ni Claudine.

Bukas ang aming pahina para sa panig nina Raymart at Jodi.

Leave A Reply

Your email address will not be published.