Abante Tonite Interactive

Claudine-Gretchen ininggit si Marjorie

446

Ni Rona Ronda

Hanggang ngayon ay mainit pa rin ang isyu sa pagitan ng mga Barretto. Nadadawit na rin ang ina nila na si Estrella “Inday” Barretto.

Kapwa nagpo-post ng larawan kasama ang ina ang magkabilang kampo. Animo’y kasundo talaga ng bawat isa ang kanilang ina. Nitong Linggo, November 3 ay nag-post si Marjorie ng larawan kasama ang kanilang ina.

Matapos nito ay nag-post si Inday sa kanyang Instagram. Ibinahagi naman ni Claudine. Dito, nilinaw ni Inday na ginagamit umano lamang siya ni Marjorie bilang damage control sa away nilang magkakapatid.

Samantala, nitong Lunes, November 4, ay nag-post din si Claudine ng larawan na kung saan ay kasama nila ni Gretchen ang ina. May mga nagtatanong sa netizen kung for publicity ang ginagawa ng magkakapatid. May nag-comment din na maiinggit umano si Marjorie sa photo.

Hindi na maiwasan ng mga netizen na makisawsaw sa kontrobersyang kinasasangkutan ng Barretto sisters. Dapat daw kasi ay hindi na isinasama ang kanilang ina sa kadramahan nila.

Ang photo na magkakasama sila ay pasikat lang umano kay Marjorie.

Tila tug of war na kasi ang eksena ng mga Barretto. Agawan ang bawat kampo ngayon at si Mommy Inday ang nasa gitna.