Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Claudine inaabangan ang hugot kina Jodi-Raymart

0 9,332

NI:ALWIN IGNACIO

May kilig to the bones ba tayong naramdaman matapos nating mapagtanto na in a relationship na pala sina Jodi Sta. Maria at Raymart Santiago? Sa true? Nada!

Sa request ni Santiago na gusto niyang pribado ang kanilang relasyon at may emote pa yata itong hindi naman sila parang KathNiel or LizQuen. Gusto niya palang bulag, pipi at bingi sa lahat ang kanilang relasyon eh bakit pinapuputok nila ang chika tungkol dito?

Kapwa binatilyo na ang mga anak nila, ibig sabihin hindi na sila spring rooster and chicken para uriratin pa namin ang five w’s and one h ng kanilang pagmamahalan.

Kahit pa nga magpakasal sila soon, push! Nasa tamang edad na silang dalawa. Tiyak ang team dalahira at katkatera sa showbizlandia magbubunyi sa kanilang union.

Ngayong nasa top 20 ang Pilipinas sa mga bansang grabehan ang pananalanta ng COVID 19 virus, wala namang maitutulong ang jowaang Sta. Maria at Santiago para sa well-being ng mga hoi polloi.

Ang middle class, hindi naman mababawasan ang anxiety attacks dahil sa kanilang newfound road to forever at ang ultra-rich, maaring ni hindi nila kilala kung sino sina Raymart at Jodi, hindi ba naman?

Kaya mas bongga pa ang maghikab, mag-inat o kaya magpa-mani, pedi kesa mainvolve tayong lahat sa kanilang love in the time of the pandemic. .

Ang kaabang-abang, sa true lang, siyempre pa ang magiging kuda at hanash ni Claudine Barretto lalo na nga’t the cat is out of the bag tungkol sa kanilang relasyon.

Clau-Clau, it’s your more moment to shine once more! You don’t need to ask for what is your motivation pa. Ayan na ang babaing tunay na minamahal ni Raymart, si Jodi. Kaya pa ba?

Saan at paano kaya isasambulat ni Barretto ang kanyang damdamin? Bongga ba kung ang eme niya eh grieving, saan ako nagkulang at nagkamaling ex-wife?

Or, true to her being a Barretto, may mga pasabog at payanig siyang isasambulat at magiging totoo sa kanya ang matandang kasabihan na hell hath no fury a woman scorned?

Ay! Ang saya-saya at tunay na kaabang ang hanash ni Claudine, lalo na nga’t may mastery ito sa mga salitang “the plot thickens and how?”

Leave A Reply

Your email address will not be published.