Abante Tonite Interactive

Claudine inupakan sa pagdamay kay Rico Yan

316

Labis pa rin ang pagdadalamhati ni Claudine Barretto sa pagyao ng kanyang ama.

Pero, naloka ang mga netizen sa kanya matapos banggitin ang namayapang ex-boyfriend na si Rico Yan.

“Rico pls help me take care of daddy,” saad ng post niya sa Instagram.Umiiyak siya kasabay ng background music.

17-taon na ang nakararaan nang pumanaw si Rico. Yumao siya noong March, 2002 sa Dos Palmas Island Resort sa Puerto Princesa, Palawan.

Halo-halo ang naging reaksyon ng mga netizen pero mayorya sa mga ito ang nagsasabi na huwag nang idamay pa si Rico.

Komento nila:

“My gaaaad Rico has been dead for 20 years.. Sinama mo pa nga si Greta sa burol di ba kasi takot kang di papasukin.. Pero may breeding naman kasi un Yan family they let her see the coffin, sila na lang un umalis muna… I remember it so well.”

“Nanghihing ng sympathy! Dios Mio Claudine, oo, we know you are in pain but please naman huwag ka na mag video tapos ng ganyan, the man is at peace now, let him be. Pray to God! Hindi lang yung taong patay na ang nagagambala mo, pati yung pamilya nung tao, patahimikin mo na sya! Pray for guidance but please do it in private.”

“Wag na sanang isali si Rico yan sa Publicity,nananahimik na ang kaluluwa nung tao.”

“Palangga, da Diyos ka magdasal at humingi ng gabay. Hindi sa taong matagal ng patay. Patahimikin mo na yan.”

“Do u think, rico yan can do something eh patay na yan? take care of her father?? ano magagawa ng isang patay sa isa pang patay.at bakit kelangan ng tulong ng isang patay.jusme anong klse n b pag iisip ng mga tao!”

Naiintindihan naman ng iba ang pinagdadaanan ni Claudine lalo na at malapit talaga siya sa ama.

“Claudine is really taking her father’s death hard.”

“Mahirap talaga mamatayan.” “Imagine someone no matter what age lose someone who is a beacon of comfort, love and strength. that’s how we would all feel when we lose the most important people. our precious parents/ family.”

“Claudine always seeks comfort in her parents everytime. that’s just how she is i guess. it’s not hard to understand though. so imagine the pain.” (Ronaline Avecilla)