Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Claudine, Mark suntok sa buwan balik-tambalan

0 710

ROMMEL PLACENTE: Ang dating magkarelasyong sina Mark Anthony Fernandez at Claudine Barretto ay muling magsasama sa pelikula via Deception mula sa Viva Films at Borracho Films.

Ang dalawang pelikulang pinagtambalan nila noong 1995 na ‘Pare Ko’ at ‘Mangarap Ka’ ay naging blockbuster. Mga teenager pa sila noon at tanggap ng mga fan ang kanilang tambalan. Ngayon na kapwa na sila may mga anak,kagatin pa kaya sila ng publiko mga ka-Cuatros?

Sa tingin ko,pwede! Siyempre maraming sabik na mapanood muli sila ng kanilang mga dating tagahanga .At kung maganda ang istorya,maganda ang publicity,sure hit talaga ito. Hindi naman siguro sila susugalan ng dalawang movie outfit kung sa tingin ng mga ito ay malulugi lang sila, di ba?Wish ko
lang,sana ay talagang maganda ang kanilang pelikula. Na sa trailer pa lang dapat ay maengganyo na ang mga tao na panoorin sila.

MILDRED A. BACUD: Depende siguro sa pelikulang gagawin nila. Kung maganda naman kakagatin pa rin. Mahusay naman kasi ang direktor. Kakagatin in a sense na depende sa materyal pero yung sina Claudine Barretto at Mark Anthony Fernandez mismo as loveteam, not really. Matagal na rin naman na silang walang following. Mga bata pa sila nu’ng magkahiwalay. Mas tumatak kasi ang relasyon nila sa totoong buhay not really onscreen. Mas excited pa nga ang mga fan ng Claudine- Piolo Pascual. Kung natatandaan niyo bago ang pandemya may pahiwatig ang direktor ng ‘Milan’ na si Olive Lamasan na after 15 years baka matuloy na ang reunion project ng dalawa.

But then again mga ka-Cuatros, sa dami ng platforms na pwedeng mapanood ang isang pelikula, possibility pa rin naman na ma-appreciate ng marami ang pelikulang pagsasamahan nila.

RODEL FERNANDO: Sa totoo lang suntok sa buwan ang proyektong ito na pagsamahin muli sina Claudine at Mark Anthony sa isang pelikula. Unang-una, kahit sabihin pang may mga supporter pa rin si Claudine ay hindi na ganoon karami tulad ng dati. Ito namang si Mark ay mukhang nawala na rin ang mga tagasuporta niya mula nang masangkot siya sa mga sari-saring kontrobersiya.

Totoo ka Mildred, sana itinuloy na lang yung sinasabing reunion project nina Piolo at Claudine. Dito ay may nakikita pa akong kaliwanagan na puwede pang maging successful. Kung natatandaan ninyo ang pinagsamahang project dati nina Papa P at Clau na tinangkilik ng Pinoy. Pero siyempre pinagpi-pray na lang natin na maging succesful ang pagsasamang muli nina Mark at Claudine.

Related Posts

ROLDAN CASTRO: Naniniwala ako na magki-click ang balik-tambalan nina Claudine at Mark kung hahaluan ng loveteam ng mga bata.

Iba pa rin kung may ibang formula ang movie na hindi lang sina Mark at Claudine ang ibebenta sa pelikula.

Puwede sigurong isama diyan sina Grae Fernandez at Kira Balengir para may ibang anggulo pang pag-uusapan. Tiyak na may hatak din na magsasama ang mag-ama sa movie, di ba?

Tingnan niyo nang magsama sina Robin Padilla at Sharon Cuneta, meron pang Joshua Garcia at Julia Barretto.

Mas sure na papatok ‘yan kung magdagdag rin sila ng swak sa market ng Gen Z.

Talbog!

Leave A Reply

Your email address will not be published.