Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Claudine nagpaopera ng kamay

0 167

NI: VINIA VIVAR

Sumailalim si Claudine Barretto sa operasyon kahapon. Ibinalita niya ito sa kanyang IG at nagbigay ng mensahe sa kanyang mga fan na huwag mag-alala at ipagdasal na lang siya.

Ayon kay Claudine ay kinailangang operahan ang kanyang kanang kamay na nagkaroon ng injury last year nang maospital siya habang nakaburol ang amang si Miguel Barretto.

“Sorry I really look terrible. Ang sama ng itsura ko, mukhang may sakit talaga ako. I’m asking everybody to please pray for me and not to worry, my palanggas and Claudinians, strong naman ako, kaya ko naman,” pahayag ni Claudine sa video na pinost.

Pero aminado ang aktres na natatakot siya at nagpasalamat sa kanyang ate Gretchen na pinalakas ang kanyang loob.

“I’m really scared pero my Ate Gretchen ever since this morning, she’s making me laugh and laugh and laugh so at least naging maganda ang araw ko,” sey niya.

Ang sumunod na video ni Claudine ay makikitang dinala na siya sa operating room para sumailalim na sa operasyon.

Leave A Reply

Your email address will not be published.