Abante Tonite Interactive

Claudine nakiusap na ‘wag tapak-tapakan si Mark Anthony

By
Claudine Barretto
6,333

PINAGTANGGOL ni Claudine Barretto sa kanyang Instagram account ang nagbabalik na si Mark Anthony Fernandez. Marami nga kasi ang nag-react sa photos na magkasama sila, at sa ­planong pagsamahin sila sa pelikula ng VIVA Films.

“Let’s all give people second chances­. Walang ginawa si Mark na masama sa inyo for some of you who want to put him down. He never hurt anyone of you but himself.

“Nakadapa na ang tao, ano gusto niyo tapak-tapakan pa?” sabi ni Claudine.

Kung tama ang pagkakatanda na­min Mangarap Ka pa yata ang huling pelikulang pinagsamahan nila. Napakaraming naging isyu sa kanilang dalawa noong sila pa at kahit matagal nang wala at nagkaroon ng kaniya-kaniyang buhay. At mukhang abang-abang ang mga tagahanga ng tambalan nila ngayon.

***

WALA yatang hindi nakaramdam ng saya at pagka-proud kay Jodi Sta. Maria dahil sa naging achievement niya sa school. Imagine, sa sobrang busy ni Jodi sa kanyang mga showbiz schedules at pagiging nanay pa, nakuha pa rin ni Jodi na maipagpatuloy ang kanyang pag-aaral ng college ng Psychology course.

At hindi lang ‘yun, sa average niya na nakuha niyang makasama pa bilang isa sa mga Dean’s Lister ng Southville International School. Dati, alam namin ang pangarap ni Jodi ay maging isang doctor, sa nakikita naming passion at determinasyon niya, ‘di nakakagulat na one day, ma-achieve niya ang pangarap na ito.

“May mga time na nagdya-juggle ka between script and psychology book or ‘yung mga panahon na pag-uwi mo, hindi ka pa makakatulog kasi may gagawin ka pang tapusing report or proyekto para sa school.

“Hindi madali ang journey pero mas lalo akong napu-put na pag-igihin pa,” sabi ni Jodi.