Abante Tonite Interactive

Claudine umalma sa balitang ‘nakabuntis’ si Mark Anthony

By
Claudine Barretto
4,394

UMALMA sa fake news si Claudine Barretto. Ito nga ‘yung diumano ay nakabuntis ng dalawang pulis si Mark Anthony Fernandez habang nakakulong sa Pampanga kaugnay sa droga.

Nakalabas na ng bilibid ang aktor nu’ng sumulpot ang balitang nakabuntis daw ito ng dalawang pulis. At sabi ay si Claudine ang ugat ng kuwento.

Naka-post sa Instagram ni Claudine ang larawan ni Mark na may kasamang dalawang babaeng pulis. Sa caption ng photo ay nakasulat ang ‘WATCH! Eto pala ang dalawang pulis na nabuntis ni Mark Anthony Fernandez’.

Nabuwisit si Claudine hindi dahil sa isyu kay Mark kundi sa pagdawit sa kanya sa controversy.

Ipinagdiinan ni Claudine na hindi siya na-interview ng reporter ng TV Patrol na si Mario Dumaual. Sinabi pa niyang ayaw sana niyang patulan ang tsismis pero dahil idinawit ang pangalan niya, kaya umalma siya.

“Ayoko na sanang patulan tong malisyosong tsismis na ito, pero na-interview daw ako ni Tito MARYO DUMAWAL. Fake news po ito! Never spoke to Tito Maryo for years! #notofakenews,” sabi ni Claudine.

Sina Mark at Claudine ay dating magkasintahan bago pa nagkaroon ng relasyon si Claudine kay Raymart Santiago. Sumuporta naman ang mga tagahanga ni Claudine sa kanyang panawagan.

Regine takot gumawa ng pelikula Sesemplang kasi

TAKOT si Regine Velasquez na sumemplang ang comeback movie niya kaya alinlangan pa siyang tanggapin ang kaliwa’t kanang offer ng Viva Films.

Sa panayam namin sa nag-iisang Songbird ng Pilipinas sa press launch ng Valentine concert nila nina Martin Nievera, Ogie Alcasid at Erik Santos, ang #PaMORE na gaganapin sa February 10 sa MOA Arena, sinabi niyang natatakot siyang baka hindi tangkilin ng mga manonood ang pelikula na siya ang bida.

Ilang beses na siyang kinumbinse ng Viva big boss na si Vic del Rosario na gumawa ng pelikula, pero wala raw talaga siyang panlasa dito. Makikipag-meeting daw uli si Regine kay Boss Vic sa mga susunod na buwan tungkol dito para pag-usapan ang movie project nya.

Pero sabi ni Regine, kung gagawa siya ng movie, ayaw niya ng heavy drama. Hindi raw niya nakikita ang sariling umiiyak. Noon pa naman daw ay hindi na niya gusto ang mag-drama. Mas bet daw niya ang light drama at more on comedy.

Mas gusto raw ni Regine ngayon na mag-teleserye kaysa gumawa ng pelikula. At may offer naman ang GMA sa kanya.