Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Claudine umiiwas kay Marjorie

0 455

Para kay Claudine Barretto, malalim ang sugat na iniwan ng away nila ng kapatid na si Marjorie lalo pa’t may insidenteng nauwi sa pisikalan ang lahat at nabastos umano siya ng mga anak nito.

Kaya naman, hindi niya nakikita na magkakaayos sila sa malapit na hinaharap.

“Hindi ko masasabing period pero parang maaga pang pag-isipan.May mga wounds kasi na kailangang maghilom muna,” makahulugan niyang pahayag.

Sa ngayon, para raw walang gulo, mas minabuti niyang huwag na muna silang magkita ng kapatid at ng mga anak nito kapag may mga okasyon.

“Malungkot nga.Kapag may okasyon, kami at ang brother kong si Jayjay ang magkasama.Iba rin iyong sa kanila, so parang pini-pongpong ang Mommy ko,” pagbabahagi niya.

Gayunpaman, kung magre-reach out daw naman ang mga ito ay hindi niya masasabing matitikis niya ang mga ito.

“Parang prodigal son o daughter lang iyan.Pag bumalik, open arms ako. Kahit hindi kami ok, alam nila, at the end of the day, ipagtatanggol ko sila,”sey ni Claudine.

Pagkatapos ng anim na taon, balik-pelikula ang Optimum Star sa isang drama na ididirehe ni Direk Joel Lamangan mula sa Borracho Productions ni Atty. Ferdinand Topacio.

“Nagkasama na kami noon sa isang series sa GMA. Matagal ko nang gustong makatrabaho si Direk Joel.Feeling ko, hindi kumpleto ang career ko kapag hindi niya ako naididirek,” sey ni Claudine.

Bago ang kanyang comeback movie,may cameo role si Claudine sa Mamasapano Massacre kung saan may importante siyang papel.

Pagbabahagi pa niya, tuloy din ang proyektong muling pagsasamahan nila ni Piolo Pascual bagamat hindi pa niya masabi kung kailan ito sisimulan.

Speaking of Mr.M, clueless daw siya sa isyu tungkol dito.

Nang maibahagi namin ang nangyari sa akusa rito ukol kawalan ng loyalty sa ABS-CBN at sa pagkakasibak ng show nito sa TV5, sinabi niya na nakikisimpatiya siya rito.

Malaki raw ang utang na loob niya rito at tulad ni Piolo, kung siya raw ay yayayain nito na sumali sa proyekto niya, join din daw siya dahil itinuturing niya itong godfather sa showbiz.

Kabituin ni Claudine sa kanyang comeback movie ang Ms.Saigon singer-actor na si Gerald Santos.

Leave A Reply

Your email address will not be published.