Abante Tonite Interactive

Claudine wa epek ang suporta sa ‘StarStruck’

791

Hindi umepek ang suporta ni Claudine Barretto dahil natsugi last week ang bet nito sa “StarStruck” na si Jeremy Sabido.

Kaka-save pa lang kay Jeremy the other week ay natanggal na siya kaagad. Safe si Pamela Prins-ter matapos itong manganib sa Bottom 2 with Je-remy.

This week ay pitong “StarStruck” graduates ang magsisilbing guide sa Final 7 survivors para ihanda ang mga ito sa nalalapit na Final Judgment.
Sila ay sina Mark Herras, Yasmien Kurdi, Katrina Halili, Kris Bernal, Chariz Solomon, LJ Reyes at Miguel Tanfelix.

Matindi ang Bida-Kontrabida Test ng Final 7 with guest Carmina Villarroel, na most deman- ding acting test nila so far.

Bukod sa aktingan ay magpe-perform din sila ng musical number on stage kasama ang kanilang “StarStruck” graduate-partners.

At siyempre, ang survivor na may pinakamababang score mula sa “StarStruck” Council at viewers’ votes ang matatanggal bukas hanggang sa matira ang Final 6.

Ramirez, Constancia maraming ‘di napagkasunduan

Nilinaw ni Sue Ramirez na walang third party sa breakup nila ng boyfriend niyang member ng BoybandPH na si Joao Constancia.

Hindi raw kayang magsinungaling ni Sue sa mga kausap na press doon sa media launch ng PPP 2019 entry na “Cuddle Weather” kaya inamin niyang hiwalay na sila ni Joao.

Ang sabi sa amin ni Sue ay siya ang nakipag-break kay Joao after 2 years because of differences.

Hindi naman daw siya nag-fall out of love dahil mahal niya talaga si Joao. At hindi rin daw niya ito na-outgrow, marami lang daw silang hindi napagkasunduan.

Ang ma­ganda naman doon ay nag-uusap pa rin sila at okey raw sila na naghiwalay. So, hindi isinasara ni Sue ang posibilidad na magkabalikan sila.
“We’ll see. I don’t close my doors especially to the people na nakapagpasaya at nagmahal sa akin,” pakli ng 23-anyos na dalaga.

Hindi raw ‘yung pagpapa-sexy niya ang dahilan ng hiwalayan dahil in fairness ay supportive daw si Joao sa career niya.

Dahil single na ulit si Sue ay ang mga alaga raw niyang aso ang ka-cuddle weather niya ngayon.

Aminadong bargas sa totoong buhay ang tisay na Kapamilya actress kaya hindi raw siya nagdalawang-isip na sabihin ‘yung vulgar words at gawin ang daring scenes sa “Cuddle Weather” na sex workers ang role nila ng partner niyang si RK Bagatsing.

Wala raw siyang malisya sa katawan pero may takip naman daw ang sensitive body parts niya sa intimate scenes sa movie.

Mapangahas at walang takot ang pokpok na karakter ni Sue na si Adela Johnson sa “Cuddle Weather”, pero maiinlab din daw ang audience kapag napanood ito sa mga sinehan sa September 13.

RK wild sa threesome

Masaya sa kanyang tahimik na love life si RK Bagatsing kaya wala siyang kinalaman sa breakup ng leading lady niyang si Sue Ramirez sa boyfie nitong si Joao Constancia.

In fact, dumalaw pa raw si Joao sa set ng movie nila na “Cuddle Weather” kaya na-meet niya raw ito at mabait daw itong tao.

Nagkataon lang daw siguro na ngayon nag-break ang dalawa kung kailan meron silang ginawang pelikula ni Sue.

Bilib si RK sa pagiging matapang at open ni Sue kaya siya raw mismo ay nawala ang insecurities niya dahil ganu’n ang kapareha niya.

Aminado si Sue na hindi ito nagsusuot ng bra, pero sa intimate scenes nila ay may takip naman daw ang private parts nito, sabi ni RK.

Mabilis daw silang nagklik dahil wala itong arte sa katawan at magaan itong katrabaho.

Ang first shoot nila ay ‘yung sizzling poster ng movie na magkasugpong ang mga hubad nilang katawan.

May underwear naman daw sila roon at hindi sila totally nude.

In-enjoy ng 31-anyos na Kapamilya hunk ang makulit at carefree cha-racter niyang si Ram, na isang newbie callboy na tinuruan ng tricks pagdating sa flesh trade ng prosti character ni Sue na si Adela Johnson.

May eksenang naki-pag-threesome si RK at wild daw ang sex scenes niya sa mga kliyente niya, pero ‘yung love scene nila ni Sue ay ‘magical’ ang description niya at puno ng pagmamahal kahit pareho silang pokpok.

Ang baguhang direktor na si Rod Marmol ang nagdirek ng “Cuddle Weather” na entry ng Regal Films sa 3rd Pista ng Pelikulang Pilipino (September 13-19).