Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Clearing ops sa Kyusi kinondena

0 162

Binatikos ni presidential candidate Leody De Guzman ang naganap na clearing operation ng Task Force Disiplina sa Novaliches, Quezon City noong Linggo.

“Grabe, hindi na makatao ang ginagawa ng Task Force Disiplina. Hindi na nga nakakatulong sa pagbibigay at paghahanap ng trabaho’t kabuhayan ay huhulihin pa nila mga vendor,” ani De Guzman, kandidato ng Partido Lakas ng Masa, sa isang press release.

“Hindi kailanman masusugpo ang isyu ng kawalan ng hanapbuhay at kabuhayan kung panghuhuli at kumpiskasyon ang inaatupag ng gobyerno,” dagdag niya.

Ayon sa mga saksi, nauwi ang clearing ops noong Nobyembre 7 ng gabi sa habulan at pagkumpiska ng mga paninda at kariton ng mga street vendor.

Nanawagan din ang lider-manggagawa sa Quezon City government na ituon na lang ang atensiyon nito sa paggawa ng hanapbuhay para sa nasasakupan nito. (Riley Cea)

Leave A Reply

Your email address will not be published.