Abante Tonite Interactive

Clemente, 2 pa sa F2 sasagitsit

By
895

Mga laro ngayon:
(Baliuag Star Arena)
4:00 p.m. – Petron vs Smart
6:00 p.m. – F2 Logistics vs Generika-Ayala

Muling sasandalan ng defending champion F2 Logistics ang bagong recruits na sina Lourdes Clemente at Minami Yoshioka maging ang nagbabalik na si Ara Galang sa pagharap sa Generika-Ayala sa second round ng Chooks to Go-6th Phili­ppine Super Liga (PSL) 2018 Grand Prix elims sa Baliuag Star Arena sa Bulacan.

Nagsanib ng pwersa ang tatlo sa unang paghaharap ng Cargo Movers at Lifesavers sa first round para igiya ang F2 Logistics sa panalo kontra Generika-Ayala, 25-18, 25-16, 25-12.

“Now that the first round is over, we expect our new players to blend well with the holdovers,” saad ni F2 Logistics coach Arnold Laniog.

“Although I can see the improvement every game, our job is not yet done. We’re expecting a tougher battle in the second round so we have to be ready.”

Nakatakdang magkaldagan ang Cargo Mo­vers at Lifesavers sa alas-sais ng gabi pagkatapos ng bakbakan ng Petron at Smart sa alas-kuwatro ng hapon sa event na mga suportado ng Isuzu, UCPB Gen at ESPN5.

Matapos ang seven-game sweep sa first round, nakopo ng Blaze Spikers ang top spot at makakaharap nila ang Cocolife, Sta. Lucia at Smart sa Pool A, habang ang F2 Logistics na tumapos ng 6-1 win-loss mark at lumanding sa No. 2 spot ay makakalaban sa Pool B ang Foton, Cignal at Generika-Ayala.

Round robin ang mga teams sa nasabing pools para malaman ang quarterfinal placings.