Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Clinic bagsakan ng nakaw na COVID bakuna – FDA

0 107

Nagbabala ang Food and Drug Administration (FDA) laban sa mga indibidwal o grupo na nagnanakaw at nagpupuslit umano ng COVID-19 vaccine para iligal na ibenta sa murang halaga.

Ayon kay FDA Director General Eric Domingo, may natanggap silang mga ulat na ninanakaw at ipinupuslit umano ang mga bakuna para ibenta sa mga klinika.

Titiyakin aniya nila na makakasuhan at makukulong ang sinomang nasa likod ng nasabing iligal na gawain.

SM SuperKidsDay Banner Ad

Dahil dito kung kaya’t iniutos din ni Domingo ang mahigpit na pagmomonitor sa lot number o batch code ng mga COVID-19 vaccine sa bansa.

Samantala, nagbanta si Department of Health (DOH) Secretary Francisco Duque III na ipakakansela ng kagawaran ang lisensya ng mga doktor at iba pang medical professional na magtuturok ng mga iligal o ipinuslit na bakuna sa bansa.

“We will have their medical licenses revoked. We doctors have an oath. Do no harm. In a pandemic, we need to be more circumspect,” banta ni Duque. (Mia Billones)

Leave A Reply

Your email address will not be published.