Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Clinical trial sa Sputnik V aprub sa Kamara

0 91

Suportado ng Committee on People Participation ng Kamara ang pagsasagawa ng mga clinical trial sa bakunang Sputnic V ng Russia para mapabilis ang pagkakaroon nito sa bansa.

Sa iidnaos na committee meeting sa pagitan ng mga kinatawan ng Russian Embassy at Rep. Florida Robes, chairperson ng Committee on People Participation, sinabi ng huli na makikipag-ugnayan ang kanyang komite sa Department of Health (DOH) at Department of Science and Technology (DOST) para sa kaganapan ng clinical trial ng Sputnic V na nasa phase 3 na ng pag-aaral.

Una ng inihayag ni Vladisav Mongush, commercial advisor ng Russian Embassy na nakatakdang bakunahan kontra Covid-19 ang kanilang mga medical frontliner sa September 15.

Pinabulaanan din nito ang ulat na nasawi ang anak na babae ni Russian President Vladimir Putin matapos sumalang sa clinical trials ng Sputnik V, at iginiit na ang ulat ay “pure fake news”. (Mia B. Billones)

Leave A Reply

Your email address will not be published.