Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Clint ayaw tantanan si Sam

0 1,113

NI: ARCHIE LIAO

Buong akala ng mga netizen ay matitigil na ang pagpo-post ni Clint Bondad lalo na’t nagbigay na kanya-kanyang pahayag sina Sam Milby at Catriona Gray na ayaw nang i-dignify ang isyu.

Dedma rin ang ex ng dating Ms. Universe kung paratangan siyang psycho, stalker o bitter na boyfriend ni Cat. Wapakels din siya sa puna na hindi pa siya makapag-move on sa kanilang naging hiwalayan.

Lately naman, nagbahagi siya ng screenshot mula sa IG account ni Sam Milby.

Ang screenshot ay promotional poster ng upcoming series ni Sam na “Ang Sa Iyo ay Akin” kung saan may caption itong “Please let this be a hidden code Hahahahahaha.”

Sinundan pa ito ng isa pang post na “I’m making you famous. Don’t complain” na kung aanalisahin ay nangangahulugang dapat na magpasalamat pa sa kanya si Sam dahil iprino-promote nito ang kanyang show.

Marami naman ang nag-react sa nasabing post .na nagsasabing dapat nang magpakonsulta si Clint sa isang psychiatrist.

Pero, pinagtatanggol ng Thai billionaire na si Jakkaphong ‘Anne’ Jakrajutatip si Clint . Aniya, “My bro is super normal.” Kini-claim ni Anne na business mentor siya at ‘sister’ daw ang turingan nila ni Bondad.

Dagdag pa niya inaaliw lang ng model-actor ang kanyang sarili dahil bored ito. Taglay pa rin daw ni Clint ang ‘cool attitude’.
May mga nag-uudyok din na sana sampahan ng kaso ni Sam ang ex ni Catriona sa umano’y pangha-harass nito.

Leave A Reply

Your email address will not be published.