Abante Tonite Interactive

Clint ‘di pa rin maka-move on kay Catriona

533

Umani ng samu’t saring reaksyon sa netizens ang naging post ni Clint Bondad, ang ex ni 2018 Ms. Universe Catriona Gray.

Ito ay sa kasagsagan ng intrigang may ipinalit na sa kanya ang beauty queen nang mag-surface sa social media ang photo ng dating dyowa kasama ang DLSU player na si Jordan Bartlett.

Dahil sa nilalaman ng kanyang IG post, marami ang nag-react na hindi pa rin nakaka-move on sa hiwalayan nila ni Cat.

Meron ding nagsasabing obvious na walang naging closure ang kanilang relasyon na nauwi sa splitville.

Gusto namang pabulaanan ni Clint na hindi totoo na may relasyon sina Cat at Jordan nang sagutin niya ang isang netizen. (Archie Liao)

Tonite – Wendys Inhouse Ad