Abante Tonite Interactive

Clippers pahihirapan ang Lakers; Iguodala pinalaya

546

Kabi-kabilang trade ang naganap sa NBA world kahapon matapos ang deadline.

Sa aking opinyon, ilang teams ang nanalo sa trade at ang ilan ay nalugi.
Good move para sa Los Angeles Clippers, na nagdagdag ng isa pang two-way player, si Marcus Morris.

Si Morris ay parte ng 3-team trade ng Clippers, New York Knicks at Washington Wizards.

Nakuha ng Clippers si Morris galing Knicks at ibi­nigay si Moe Harkless at isang 2020 first-round pick.

Habang ipinalit naman ng Clippers si Jerome Robinson para kay Isaiah Thomas na galing Wizards, na binitiwan din nila matapos makuha.
Kilala si Morris na mahusay dumepensa, ito pa nga ang bumabantay kay LeBron James noong 2017 playoffs ng Boston Celtics kontra Cleveland Cavaliers.

Lalo nilang pahihirapan ang Los Angeles Lakers kung sila ang maghaharap sa Western Conference Finals.

Dagdag bigat sa depensa si Morris, na puwede ring itapat kay Anthony Davis dahil sa pagiging pisikal niya.

Mas pinalalim ng Clippers ang kanilang roster, na sa kasalukuyan ay parang mas locked in pa at desididong manalo kaysa sa Lakers.

Kahapon lang din ay nilampaso ng Houston Rockets ang Lakers gamit lang ang ‘small ball lineup’ dahil kanila ring ipinamigay si Clint Capela sa Atlanta Hawks.

Malamya pa rin ang Lakers kaya bigyan pa natin ng panahon ang Purp en Gold, na hindi malabong nagluluksa pa rin hanggang ngayon sa pagkawala ni Kobe Bryant.

***

Matapos talakan ng mga batang teammate, sa wakas ay nai-trade na si three-time NBA champion at 2015 Finals’ MVP Andre Iguodala papuntang Miami Heat.

Hindi natakot ang mga young gun ng Memphis Grizzlies na sina Dillon Brooks at Ja Morant na sabihin ang kanilang inis kay Iggy.

Si Iggy ay nalipat mula Golden State Warriors sa Grizzlies at sinabing hindi siya maglalaro rito, at hindi rin ito nagpapakita sa training.

Win-win situation sa dalawang panig. Ayaw ni Iggy sa Grizzlies at ayaw na rin siya ng kanyang kakampi. Ngayo’y nakalaya na siya at napunta pa rin sa isang playoff contender na team.

Tiyak na malaking impact ang ibibigay ng beteranong si Iggy sa South Beach.

***

Kung kayo po ay may reaksiyon o nais itanong, mag-email lamang po sa alecpaolo2016@gmail.com. Patuloy ninyo rin pong suportahan ang online show ng Abante, ang Sportalakan, tuwing Martes ng alas-sais nang gabi sa Abante News Online. Maraming salamat po!