Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Clippers wagi pa rin: Kawhi duguan!

0 86

Duguan na bumagsak sa sahig si Kawhi Leonard sa isang tagpo ng kanilang panalo kontra Denver Nuggets, 121-108, kahapon sa Christmas Day action ng 2020-2021 NBA regular season.

Tumikada si Leonard ng 21 points at pitong assists upang tulungan ang Los Angeles Clippers na sikwatin ang malinis na pangalawang sunod na panalo.

Lamang ang Clippers ng 11 puntos may 6:11 minuto pa sa orasan nang hindi sinasadyang masiko sa mukha si Leonard ng kanyang teammate na si Serge Ibaka.

Bulwak ang dugo sa mukha ni Leonard at dinala na ito sa locker room upang lapatan ng gamot.

SM food to go Banner Ad

Ayon kay Clippers head coach Tyronn Lue, maayos naman ang lagay ni Leonard sa kabila ng sinapit nito.

“He got up and walked off the floor, so he’s going to be good,” ani Lue.

Hindi na nakabalik sa laro si Leonard pero magaan pa rin na kinalos ng Clippers ang Nuggets.

Bumakas si Paul George ng 23 markers para sa Clippers habang 15 ang kinana ni Ibaka. ( Elech Dawa)

Leave A Reply

Your email address will not be published.